Illuminate...
Emo. (x_\)

BABALA: Basahin lamang ito kung wala o tapos na sa dapat gawin.

Naaalala ko pa non, around 2004 bandang March yon nung una kong marinig at ma-encounter ung word na ‘EMO’. Since sa aming dabarkads pa lang medyo familiar yun (iba pa tropa ko nun), nagtatanong tanong ako ng mga pinapakinggan nila at kung ano maganda pang pakinggan (sabay makakalimutan ko rin). Nagya-yahoo pa ko non about the genre and those bands playing this genre (di pa uso google non, pero meron na).

First bands na na-familiarize ako kagad with “EMO” mid SY ‘04-‘05 were ‘The Used’, ‘Finch’, ‘Dashboard Confessional’, ‘Taking Back Sunday’, ‘The All-American rejects’, ‘Yellowcard’, ‘Story of the year’, ‘Lost Prophets' (akala ko din e…), 'The Ataris' (isa pa to…), at nakalimutan ko na ung iba. Di ko rin alam kung pano get-up/fashion nila.

Nakakakita na ko nung Fashion nila bandang 1st quarter ng 2005, nung nakakanood na ko ng music vids nila. Then, mula non pag nakakakita ako ng ganon ung buhok, naiisip ko ‘emo’ kagad yon.

Pumasok ung laslasan ng wrist at na-correlate nila sa mga ‘emo’ at nag-google ako about sa ‘emo’ at paglalaslas, e madalas sila i-correlate with one another so naisip ko rin na ganun pala lifestyle/culture nila, ung parang ‘deadkid' lang Ü.

 Around 2007, while I was listening to RockEd radio around 8:30pm on NU107 with ep titled “Imbot sa EMO”, nadiscuss nila ung genre, fashion and lifestyle/culture na “emo” (since yun ung topic for that ep.). Na-tackle ung number of definition ng “emo” galing sa iba’t ibang tao, like “emotional”, “emotive hardcore”, and etc. Maraming na-discuss na bagay about that “emo” fad (sa sobrang dami konti na lang naaalala ko ☺).

Then while I was listening to that station one day, narinig ko to sa isang DJ with ‘emo’ being defined as “emotional”, “…if there really is “emo”, then it would’ve been the genre with most artist because most songs are about emotions…”.  Napaisip ako, “oo nga naman.”, since di pa rin concrete ung idea ko about dun  (“emo”) kaya parang na-set aside lahat ng naiisip ko about ‘emo’. Ü

Then may nakuha akong info after non (I forgot from whom or through what medium) which states that: “…EMO' was just a subgenre of Punk, which is an extinct subgenre of the said genre(Punk). kahit sinong banda tanungin nyo ngayon, wala silang specific/precise definition/description ng kung anong klaseng tugtugan yon. Hindi rin sya Lifestyle o Fashion statement kasi pwede namang ganon ang tugtugan mo kahit naka-jersey ka o ano…”

Ngayon, tuwing naririnig kong ginagamit ung term na “EMO”, naaalala ko ung realization ko about “EMO” 4-5 years ago, then natatanong ko, “may idea kaya sila sa pinagsasasabi nila?”. Madalas o minsan kasi may nababasa/naririnig ako, like: “ayos sa porma ah, EMO.”, “wag ka nang EMO”, “ang EMO mo ngayon”, “EMO ka ba?”, and the likes.

☺☺☺☺☺☺ ☺☺☺☺☺☺ ☺☺☺☺☺☺ ☺☺☺☺☺☺ ☺☺☺☺☺☺ ☺☺☺☺☺☺ ☺☺☺☺☺☺ ☺☺☺☺☺☺

  1. ariseredgiant posted this